Walang planong magpakasal ang bf
Dear Dr. Love,
Limang taon na kaming mag-boyfriend, pero wala siyang plano magpakasal kami. Ang lagi niyang katuwiran, busy siya o kaya naman ay hindi pa handa sa pagkakaroon ng married life.
Pero Dr. Love sa susunod na taon ay 30 years old na ako. Mahal ko ang boyfriend ko, pero lagi na lang akong naghahanap ng atensyon sa kanya.
Maganda naman pareho ang trabaho namin. Kung tutuusin ay kaya na namin ang magpamilya. Pero bakit kailangan ko pang magmakaawa sa kanya na magpakasal na kami? Ano ba ang dapat kong gawin para makumbinsi siya na mag-settle down na kami?
Beth
Dear Beth,
Sa panahon ngayon, may katagalan na ang limang taon para makapag-isip ang bawat mag-partner na magpakasal. Siguro ang dapat mong gawin ay kausapin nang masinsinan ang boyfriend mo dahil hindi ka na rin bumabata para sa pagbuo ng pamilya at pagkakaroon ng anak.
Kung hindi magbabago ang pasiya niya, baka wala talaga siyang plano na pakasalan ka.
Mahirap ipagsisiksikan ang sarili sa taong walang nakikitang future na kasama ka.
Sakaling magka-gayon nga, siguro panahon na para mag-isip-isip ka tungkol sa estado ng relasyon ninyo.
Dahil kung wala siyang plano ngayon, may posibilidad na wala rin siyang plano sa darating na bukas. Siguro dapat magi-sing ka sa katotohanan na maaaring hindi kayo para sa isa’t isa.
Kausapin mo siyang muli at kung wala kang makuhang magandang sagot ay makabubuting kalimutan na siya at maghanap ng lala-king magmamahal sa iyo na handa kang iharap sa dambana.
Dr. Love
- Latest

















