Takbuhan ng problema ang ina
Dear Dr. Love,
Hindi naman kami mayaman, pero takbuhan ng problema ang nanay ko ng mga kapatid niyang lalaki. Palibhasa ay nag-iisang babae siya sa anim na magkakapatid.
Naturingang mga macho ang mga tito ko, pero pagdating sa problema lalo na ksa usa-ping pera ang kanilang pangangailangan, talagang sa nanay ko pa talaga sila nanghihingi. Para bang may obligasyon ang nanay ko sa mga batugan at mayayabang niyang mga utol. Hindi na sila naawa sa nanay ko.
Hindi naman makahindi ang nanay ko, kahit kami mismo ay kapos din sa pera. Talagang gagawa at gagawa ng paraan ang nanay ko, may maitulong lang sa kapatid niya.
Hanggang kailan kaya magpapauto si nanay sa pamilya niya?
Alice
Dear Alice,
Ikaw na ang nagsabi na pamilya ng nanay mo ang tinutulungan niya. Balang araw ay maiintindihan mo rin ang tungkol sa bagay na yan.
Hindi kayang tiisin ng nanay mo ang mga kapatid niya kahit pa mga lalaki ito.
Maaaring ang love language ng nanay mo ay sa pamamagitan ng pagbibigay o pagtulong sa iba.
Pero hindi masama na paalalahanan siya, kung sa tingin mo nga ay sobra na ang ginagawa niyang tulong.
Dahil sa isang banda, hindi rin natututo ang mga kapatid niyang lalaki na tumayo sa kanilang sariling mga paa. Lalo’t kung mayroon na rin silang sariling pamilya.
Bilang anak, maaari ka naman maging open sa iyong nanay, pero tiyakin mo na hindi sa parang makaka-offend sa kanya. Maaaring sa mahinahon at malam-bing na paraan mo gawin.
Pwede mong sabihin, “nagsisikap ako at ang tatay na maging maayos ang pamilya natin nang sa ganon ay mailayo ka naming sa stress o mga kabalisaan. Kaya baka pwede na huwag akuin ang lahat ng problema ng kanyang mga kapatid na pawang may pamilya na.
Dahil kamo baka makaapekto naman sa kanyang kalusugan.” Kasunod nito ang mahigpit na pagyakap sa kanya at sabihing, “mahal kita, nay.”

Hangad ko na magkaroon ng magandang adjustment para sa mga bagay-bagay ang inyong pamilya para mas maging maayos ang lahat.
Dr. Love
- Latest