^

Dr. Love

Maktol ng anak sa martir na ina

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko alam kung bakit na pilit na pinagtitiisan ng nanay ko ang tatay kong adik. Pero pagdating sa akin, kahit na konting mali ko lang ay halos isumpa na ako ni nanay.

Samantalang ang tatay ko, paulit-ulit lang siyang niloloko at ninanakawan. Pero binibigyan pa rin niya ng pera na alam naman niyang gagamitin sa masamang bisyo.

Bakit ba nagbubulag-bulagan pa ang nanay ko sa mga hindi na mabilang na kahihiyan at sama ng loob na ibinibigay ng tatay namin? Kulang na lang ay ipagpatayo ko ng rebulto si nanay sa sobrang pagkamartir nito para kay tatay.

Ano po ba ang puwede kong sabihin o gawin para lang magising sa katotohanan ang nanay ko na hindi na magbabago si tatay?

Mae

Dear Mae,

Huwag kang mawalan ng pag-asa. Kaila-ngan mo rin ng mas malawak na pang-unawa sa iyong nanay.

Makatutulong na kausapin nang masinsinan si nanay patungkol sa adiksyon ni  tatay. Para maipadama mo sa kanya na meron siyang karamay.

Maaaring hindi mo lang nakikita, pero tiyak na itinatago lamang ng nanay mo ang bigat na kanyang nararamdaman para sa tatay mo.

Tulad mo ay nasasaktan din siya sa sitwasyon. Hindi rin nagbubulag-bulagan ang iyong ina, kundi umaasa pa rin siyang sana ay magbago pa rin ang iyong ama.

At bilang misis ay ginagawa niya lang ang kanyang tungkulin at suporta para sa inyong tatay.

Bakit hindi mo imungkahi sa iyong nanay na ipasok sa rehab ang iyong tatay?

Kasya sa mahuli siya ng mga pulis na baka mas maghirap pa sa loob ng kulu-ngan.

Kailangan mo lang sumangguni sa inyong barangay, kung paano makapasok sa rehab center ang iyong ama para ma-bigyan ng lunas ang nararanasan niyang adiksyon.

At mas mabibigyan din ng solusyon ang problema ng inyong pamilya.

Dr. Love

ADIK

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with