Nahuli na naman
Dear Dr. Love,
Hanggang kailan ba dapat magpatawad? Ilang beses ko na kasing nahuhuli ang asawa ko na nambababae. Puro siya dahilan. Hindi ko na tuloy alam kung patatawarin ko pa siya. Sinabihan na ako ng mga magulang ko na maghiwalay na lang kami. Pero nanghihina-yang ako sa pinagsamahan namin at inaalala ko rin ang aming nag-iisang anak.
Noong una, pinatawad ko siya dahil kilala ko ang babae. Napakiusapan ko na iwasan na lang ang mister ko. Itong pangawala, ‘yung babae pa ang nang-aaway. Hindi raw ako marunong mag-alaga ng asawa kaya naghahanap ng iba.
Ang pangatlo, talagang sinugod ko sila sa bahay ng babae. Ewan ko, hindi naman gwapo ang mister ko pero nagugustuhan nila.
Iniisip ko na isa lang din yata ako sa nabola ng mister ko. Please lang po, pagpayuhan po ninyo ako. Hindi ko na alam ang dapat gawin. Patatawarin ko ba siya uli o hindi na?
Mean
Dear Mean,
Tama lang naman na mag-isip ka ng maigi bago magdesisyon. Kung naguguluhan ka kung patatawarin mo pa ang mister mo o hindi, subukan mong makipag-usap sa kanya nang masinsinan.
Magbigay ka rin ng pagkakataon sa sarili mo para ipahayag ang iyong nararamdaman. Pumili ka kung maha-laga pa sa iyo ang relasyon ninyo at kung may mga bagay pang maaaring ayusin. Kung nahihirapan ka sa pagdedesisyon, baka makakatulong ang pagkonsulta sa isang marriage counselor o therapist para makuha ang iba pang pananaw at guidance.
Siguraduhin mo na ang desisyon na gagawin mo ay para sa ikabubuti ninyo at ng inyong anak.
DR. LOVE
- Latest

















