^

Dr. Love

Isip bata ang gf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Eighteen years old lang ang girlfriend ko at mahal ko siya, except that may isa siyang ugali na naiirita ako. Ito ang pagiging isip bata niya.

Ako po si Tom, 26-anyos na at may stable na trabaho. Kung sabagay ay bata pa siya sa edad na 18 pero kung umasta siya ay parang ten years old lang.

Minsang nag-date kami sa isang mall, napuna ko na may ubo siya at minamalat. Tapos nagpapabili siya sa akin ng ice cream. Sabi ko minamalat at inuubo siya at dapat umiiwas sa ice cream.

Sukat ba namang kumunot ang noo at nagyayang umuwi. Tapos one week akong ayaw kausapin. Para bang tatay niya ako na pinagtampuhan niya dahil ayaw kong ibigay ang gusto niya.

Minsan nang dumalaw ako sa kanila, nakikipaglaro siya sa mga bata ng Chinese garter. Sabi ko sa sarili ko may pagka-abnoy yata ang girlfriend ko.

Ano ang dapat gawin so she will act according to her age?

Tom

Dear Tom,

Hindi naman siya siguro abnormal kundi hindi pa nagsasawa sa pagkabata. Nobya mo siya kaya magtiyaga kang hubugin siya upang umarteng mature at ayon sa kanyang edad.

Bakit kasi pumili ka ng nobyang malaki ang agwat sa edad mo?  Anyway, makakalakihan din niya ang ugaling bata.

Tuwing nag-uusap kayo, talakayin ninyo ang mga paksang may kinalaman sa future ninyo bilang magkasintahan.

Dr. Love

 

KID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with