^

Dr. Love

Nalulong sa sugal

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mauro, 34-an-yos  at may asawa. Hindi man kami ubod ng yaman ay mariwasa ang aming buhay dahil pinamanahan ako ng yumao kong mga magulang ng malaking lupain na ang ibang bahagi ay ibinenta ko upang magkaroon ng puhunan sa negosyo.

Ang pangarap ko ay maging big time businessman, pangarap na hindi natupad dahil nalulong ako sa sugal.

Pati misis ko ay naturuan ko na mag-casino. Una ay nananalo kami ng ilang daang libong piso kaya lalo kaming naengganyo sa sugal.

Pero habang nagtatagal ay naging madalas ang talo hanggang pati lupain namin at ibang ariarian ay naisanla na sa hangad naming makabawi.

Ngayo’y naninirahan na lang kami sa mumurahing apartment at ordinaryong em-pleyado na lang ako.

Kung yayaman akong muli, isinusumpa ko na sisinupin ko na ito at hindi na ako magsusugal.

Pero paano pa ako yayaman muli?

Mauro

Dear Mauro,

Sarili mo nang diskarte ang muling pagyaman. Sabi nga, nasa huli lagi ang pagsisisi.

Pero nangyari na iyan, sana ay nagkaroon ka ng mahalagang aral sa iyong karanasan.

Tandaan mo, sa sugal walang yumayaman kundi ‘yung nagpapasugal. Iyan ay masamang bisyo na sisira sa buhay ng mga nalululon dito.

Dr. Love

ASAWA

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with