^

Dr. Love

Bf na bipolar

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nang unang makilala ko ang aking boyfriend, napakabait niya at talagang maginoo, mga katangian na pangarap ko sa lalaking makakarelasyon.

Kaya naman nang manligaw siya sa akin ay kinikilig ako, dahil sa rami na ng pogi points sa akin.

At dahil nga, nasa kanya na ang atensiyon ko, wala pang one week ng panliligaw niya sa akin ay sinagot ko na siya.

Ano pa nga naman ang hahanapin ko...guwapo na, mabait pa.

Pala-kuwento pa siya at hindi ako nagsasawang makinig sa mga kuwento niya. Mara-ming bagay na may common interest kami at talagang ikinaaaliw ko ‘yun.

Pero isang araw, sobrang pagtataka ko dahil bigla na lang siyang nagbago.

Minsan nang yayain niya akong kumain sa labas, una’y jolly mood siya. Pero nang mag-cr ako, sa paghalik ko sa kanya ay nagmumukmok na siya at nakakunot na ang kanyang noo.

Tinanong ko siya, “what’s wrong?” Akalain mo ba naman, bumalahit ng sigaw. Sobrang gulantang ako.

Naulit ang pangyayari tungkol sa mabilis na pagbabago ng kanyang mood. Kahit hindi ako eksperto, alam ko na hindi na ‘yun normal.

Sa pagbabalik ng katinuan niya, nag-sorry siya at umamin na bipolar siya.

Ang bagay na ito ngayon ang gumugulo sa isip ko. Dahil hindi ko makita ang sarili ko sa wierd na relasyon.

Napapaisip tuloy ako kung itutuloy ko pa ba ang pakiki-pagrelasyon sa boyfriend ko.

Pagpayuhan po ninyo ako.

Tin

Dear Tin,

Problema iyan kapag hindi nagamot.

Your boyfriend needs a professional help.

Kung magkakatuluyan kayo at nana-natili ang sakit niya, talagang maaapek-tuhan ang inyong relasyon.

Ikaw lamang ang makapagdedesisyon kung pananatilihin mo ang relasyon o makikipag-break ka na. Alin man sa nabanggit ang maaa-ring maging pasiya mo, higit na makakabuti na mag-decide ka na sa lalong madaling panahon.

Dr.  Love

TIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with