^

Dr. Love

Sobrang manang

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nang ligawan ko ang misis ko ay napaka-seksi niya. Modernong manamit ngunit disente ang ugali. Iyan ang katangian niyang nakaakit sa akin.

Pero after five years nang pagsasama namin, mula nang maging active siya sa gawain sa simbahan ay nagbago na siya. Hindi na siya pala-damit ng seksi.

Masyado siyang mukhang manang.

Kinausap ko na siya tungkol dito pero sagot niya ay masuwerte ako sa kanya dahil hindi siya gumagawa ng ikinahihiya ko.

Sabagay tama naman siya. Pero hanap ko ang dating siya.

Gusto ko kasi, sa pagdalo ko sa mga pagtitipon ay maganda at seksi ang escort ko.

Ano maipapayo mo sa akin?

Melo

Dear Melo,

Nagbago man ang asawa mo ay hindi naman sa masama. Tama siya na masuwerte ka sa kanya.

Sabihan mo na lang siya na kung dadalo kayo sa mga functions, huwag naman siyang manamit na sobrang konserbatibo.

Kung magagawa mo ang tungkol dito sa mahinahon, malambing at puno nang pagmamahal, nakakatiyak ako hindi niya ipagdaramdam, kundi pagsisikapan niyang makatugon sa pakiusap mo.

Ang bukas na komunikasyon ang susi para sa matatag na pagsasama ng mag-asawa. Kaya panatilihin ninyong bukas ang inyong puso at isip para sa bawat isa.

Dahil kahit pa sabihin na pinag-isa na kayo ng dahil sa mag-asawa na kayo, nananatili pa rin na may pagkakaiba kayo.

Hangad ko ang lalo pang matiwasay na pagsasama ninyo.

Dr. Love

  

MELO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with