^

Dr. Love

Malihim na boyfriend

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Naiinis na ako sa boyfriend ko. Anim buwan na kaming mag-“on” pero ayaw pa akong ipakilala sa kanyang pamilya.

Armie po ang pangalan ko at 26-anyos na. Pareho kaming may trabaho ng boyfriend ko at hindi na mga teenager na kailangang ilihim pa ang aming relasyon.

Tuwing uungkatìn ko sa kanya, lagi niyang sinasabi, we will have time for that. Unfair because tanggap na siya ng mga parents ko at nais din nilang makilala ang kanyang mga parents.

Dahil dito ay kung anu-ano na ang naiisip ko. Nagwo-worry ako na hindi siya seryoso sa akin o kaya naman maaaring may hindi siya ipinagtatapat sa akin.

Paano ko po ba malalaman kung may itinatagong sikreto ang boyfriend ko? Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love.

Armie

Dear Armie,

Maging matalino ka. May iba’t ibang paraan para malaman mo ang totoo. Isa na rin ay ang pakikipag-ugnayan mo sa inyong common friend.

Sang-ayon ako sa obserbasyon mo, na kung sana ay gaya nang pag-open up mo ng inyong relasyon sa iyong parents ay ganon din dapat siya, kung tunay ang commitment niya sa inyong relasyon.

Sa palagay ko, malamang may sikreto iyan na ayaw niyang malaman mo.

Ang maipapayo ko ay simulan mong alamin at tiyakin kung walang bang “sabit” ang boyfriend mo.

Sa palagay ko ay sapat na ang anim buwan na pagkakaroon ninyo ng relasyon para mas makilala mo pa siya ng mabuti.

Marahil makakatulong ang pagtatanong mo sa iba na alam mong ka-kilala siya.

Kung sakaling hindi umubra, bigyan mo siya ng ultimatum at sabihin mo na gustong makilala ng mga magulang mo ang mga magulang niya.

Kapag nagdahilan pa rin, talagang may lihim iyan. Makipag-break ka na.

Dr. Love

BOYFRIEND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with