^

Dr. Love

Pag-aaral at gf paano ibalanse?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Renz, 20 years old at kasaluku-yang nag-aaral sa kolehiyo. May girlfriend po ako na mahal na mahal ko.

Madalas po kaming magkita at mag-usap, halos araw-araw kung kaya napapansin na ito ng nanay ko.

Sabi niya, baka raw mapabayaan ko ang pag-aaral ko dahil sobra na akong tutok sa kanya. Naiintindihan ko po ang concern ni mama, pero gusto ko rin po ipakita kay girlfriend na mahalaga siya sa akin.

Nahihirapan lang po akong mag-balanse, lalo na’t ayokong magtampo si gf at ayokong mag-alala si mama.

Paano ko po maipapakita ang pagmamahal ko kay gf nang hindi naaapektuhan ang pag-aaral ko at nang hindi rin magduda si mama.

Renz

Dear Renz,

Renz, tandaan mo sa tamang oras, tamang lugar, at tamang dami ng atensyon lumalago ang isang relasyon. Kung sobra, nalulunod; kung kulang, natutuyot.

Ang pinakamainam, ayusin mo ang schedule mo—unahin ang school works at family responsibilities bago ang mga date o long calls.

Sabihin mo rin sa gf mo na mahal mo siya at gusto mong maging proud siya sa magiging future mo. Kung supportive siya, maiintindihan niya.

At syempre, ipa-kita kay mama mo na kaya mong ibalanse—grades muna bago gala. Tandaan, mas matamis ang love story kapag may diploma na kasama sa ending.

DR. LOVE

RENZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with