^

Dr. Love

Masakit na biro

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagkagalit kami ng best friend ko dahil sa masakit niyang biro sa akin. Sa isang fifty pesos bill, isinulat niya ang name ko at cellphone number at sinabing “wanted textmate.”

Dahil dito, inulan ako ng mga text messages na ang iba’y marriage proposal pa. Nang ikuwento ko ito sa best friend kong si Maggie ay natawa siya at sinabing siya ang may kagagawan nun.

Dahil dito’y minura ko siya dahil sinira niya ang aking privacy. Punumpuno kasi ng text message ang phone ko at pagod na ako sa kaka-delete.

Nag-sorry si Maggie sa akin pero asar na asar ako dahil sa abalang bunga ng kanyang kalokohan.

Nagpalit tuloy ako ng SIM card dahil dito, napakahirap isa-isahing i-message ang mga kontak ko para malaman nilang nagbago ako ng mobile number.

Paulit-ulit na nag-sorry ang friend ko pero ayaw kong tanggapin ang sorry niya. Ano ang gagawin ko?

Weena

Dear Weena,

Minsan, ang kaibigan ay may tendency na gumawa ng prank sa best friend niya pero for pure fun. Walang masamang intensyon na guluhin ang iyong buhay.

Kadalasan, hindi agad nare-realize ng tao ang masamang puwedeng ibubunga ng kanyang ginawa at huli na nang malaman ang pangit na ididulot ng isang masamang biro.

Patawarin mo na ang iyong kaibigan dahil baka isang araw, magkamali ka rin at hihingi ng tawad.

Dr. Love

MAGGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with