^

Dr. Love

Paano babangon?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May minamahal po ako na dumadaan ngayon sa matinding pagsubok. May negosyo siyang ipinundar sa pag-iipon at loan. Pero unti-unti na po itong nalugi.

Masakit makita na nawawalan siya ng gana sa buhay. Natatakot ako na baka tuluyang masira ang relasyon namin dahil sa bigat ng pinagdadaanan niya.

Minsan naiisip ko rin, paano kung hindi siya makabangon? Mahal ko siya, pero hindi ko rin alam kung hanggang saan ang kakayanin ko. Ano po ang dapat kong gawin, Dr. Love?

Nadine

Dear Nadine,

Una sa lahat, saludo ako sa katatagan at pagmamahal mo. ‘Yan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang kabiguan sa negosyo ay hindi kabiguan bilang tao. Ngayon higit kailan man, kailangan ka ng nobyo mo. Maging tainga ka sa kanyang mga hinaing, at puso sa kanyang katahimikan. Hikayatin mo siyang magpahinga muna, pero huwag mawalan ng direksyon. Magtulungan kayo. Kapit lang.

DR. LOVE

NADINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with