^

Dr. Love

May mood swing ang asawa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Labis kong ipinagtataka kung bakit nitong nakaraang mga araw ay paiba-iba ang mood ng aking asawa.

Mula sa pagiging masaya, bigla ng lang nagsusungit. Unpredictable ang ugali niya pero pilit ko siyang inuunawa.

Tawagin mo na lang akong Rosalie, 25-anyos.

Credit and collection manager ang mister ko at sa buong limang taon niya sa trabaho ay nanatili siyang honest.

Pero pinaratangan siyang lumustay sa pera ng kompanya at ito’y hindi niya matanggap.

Gusto kong unawain na mayroon siyang pinagdaraanan.

Ngunit nasasagad na rin ako kapag nakakatikim ako ng mura sa kanya.

Nagkaroon naman siya ng ibang trabaho na halos kapantay ng kinikita niya sa iniwan niyang trabaho, pero masungit pa rin siya.

Naiisip ko minsan na hiwalayan na siya pero kapag naaalala ko ang maganda naming pinagsamahan noon ay napipigil ang aking balak.

Ang kaso, mabigat nang lubha ang dibdib ko. Baka ako naman ang dumanas ng depresyon.

Please help me with a good advice.

Rosalie

Dear Rosalie,

Kailangan ng mister mo ang professional help, ng isang clinical psychologist. Huwag mo siyang susukuan, bagkus, dagdagan mo pa ang pang-unawa.

Kahit may bagong trabaho na siya, masakit para sa kanya ang maparatangan ng isang krimen na hindi naman niya ginawa.

Kaya lalo mong dapat ipakita sa kanya ang pagdamay ng isang ulirang katuwang sa buhay.

Unawain mo siya lalo at ipakita mo na mahal na mahal mo siya.

Dr. Love

ROSALIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with