Lumaking 'di Maganda
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Gail, 21 anyos. Noong maliit akong bata, maraming natutuwa at nagkyu-cute-tan sa akin.
Bukod sa maganda ay magaling pa akong kumanta at sumayaw. Mayroon pa nga noon na nag-aalok sa mama ko na gawin akong artists pero ayaw niya.
Pero habang nagdadalagita ako ay naglaho ang pagka-cute ko. Tumigil na sa five feet ang pagtaas ko. Kung ano ang height ko two years ago ay ganun din ngayon.
Bukod diyan ay tumaba ako kaya hindi na ako ang dating batang cute at maganda. May boyfriend naman ako pero wala nang ibang manliligaw. Sabi ng bf ko na kahit ano pa ang hitsura ko ay hindi niya ako ipagpapalit.
Maibabalik pa ba ang dati kong ganda?
Gail
Dear Gail,
May katabaan ka lang at hindi masyadong matangkad pero hindi ka naman marahil pangit gaya ng pagtingin mo sa sarili. Self-conscious ka lang.
Kung pagtangkad ang problema mo, subukan mong mag-take ng food supplement na sinasabing pampatangkad. Marahil, mag-exercise ka rin at mag-diet para pumayat. Pero huwag kang sobrang self conscious.
Buti na lang at may faithful boyfriend ka na nagsasabing di ka niya ipagpapalit. Be contented with what you are.
Dr. Love
- Latest