^

Dr. Love

Huwag maging pushy

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Dear Dr. Love,

May nililigawan ako kaso ang tagal niya akong sagutin. Sabi niya sa akin, masyado naman daw akong nagmamadali. Kakasimula lang ng semester nang kami ay magkakilala. Magmi-midterm pa lang ay gusto ko na raw na sagutin niya ako.

Ang sabi ko naman, kailangan bang parang kurso ang pagmamahalan? Kailangan matapos muna ang semester?  Hindi naman ako sobrang nagmamadali, sa tingin ko kasi may gusto na rin siya sa akin pero pinatatagal pa niya. Baka kaya walang tumatagal na manliligaw niya. Hayaan ko na lang ba siya?

Tyrone

Dear Tyrone,

Mukhang may punto kayong dalawa. Kung sa tingin mo ay may gusto rin siya sa’yo, pero hindi pa siya handang sumagot, baka mas mabuting bigyan mo siya ng espasyo.

Minsan, mas nagiging malinaw ang damdamin ng isang tao kapag hindi siya pinipilit. Kung ikaw ang tamang tao para sa kanya, kusa siyang lalapit sa tamang panahon.

Kumbaga, hayaan mo pero huwag kang magmukhang naghihintay habambuhay. Tuloy lang ang buhay mo, at kung kayo talaga, kusa kayong magkakatuluyan sa tamang panahon.

DR. LOVE

TYRONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with