^

Dr. Love

Na-in love sa malayong kaanak

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Beng, 20 years old. Malayong pinsanin ko si Ding at kung degree of consanguinity ang pag-uusapan, hindi na bawal sakaling maikasal kami. Halos sabay kaming lumaki at sa hindi ko inaasahan ay na-develop ang closeness ko sa kanya, na eventually na-realize ko na lang na in-love na ako sa kanya.

Kasi naman, sobrang magkasundo kami sa halos na yata ng bagay. Very mutual ang unawaan namin sa isa’t isa. Kahit ang mga parents namin ay walang tutol kung kami ay magkatuluyan.

Gayunpa man ayaw kong pangunahan ang situwasyon sa pagitan namin. Kaya hindi ako nagpaka-obvious na may distinct feelings na ako sa kanya.

Talagang naghintay akong mag-open siya at pormal akong ligawan. Pero lumipas na ang araw ng debut ko, hindi nangyari ang bagay na ‘yun.

Dahil dito, ako na ang naglakas-loob na nagsabi sa kanya ng feelings ko. Talagang direct to the point, sabi ko, “Mahal kita!”

Pero ang saklap lang, hindi ang inaasahan ko ang naging response niya. ‘Yung moment na ‘yun, parang buong pagkatao ko ay gumuho dahil sa hindi ko mawaring sakit. ‘Yun ay pagkatapos kong marinig na, may girlfriend na siya.

Mula noon ay hindi ko na siya kinibo. Napakasakit kasi na hindi ko alam kung paano kakawala sa mistulang bangungot na ‘yun.

Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang dapat na gawin ko?

Beng

Dear Beng,

Wala kang ibang dapat gawin kundi ang harapin ang katotohanan na hindi kayo para sa isa’t isa ni Ding. ‘Yun ang unang hakbang para makakawala ka sa sakit.

From then ay paglabanan mo ang emosyon mo, magpa-katatag ka at ibaling ang atensiyon mo sa iba.

Talagang hindi magiging madali sa umpisa. Pero ito ang isipin mo, marami na ang saktan sa pag-ibig, pero nalampasan ito at masaya na sa kanilang bihay ngayon. Nangangahulugan lang  ito na magagawa mo ring ma-overcome ang mapait na yugto ng buhay mo.

Kaya kumilos ka na at huwag ilugmok ang sarili sa kalungkutan. 20 years old ka lang at napakalawak pa ng journey mo sa buhay. Mag-ayos ka ng sarili mo, magpaka-busy at paglaanan ng time na makasalamuha ng iba.

Natitiyak ko na makikilala mo rin ang lalaking magagawang tumbasan ang pagmamahal mo.

Dr. Love

BENG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad