^

Dr. Love

Single mom na may suitor

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Makiling. Alam kong nagkamali ako. Dahil sa kapusukan, nabuntis ako habang nag-aaral pa ‘ko.

Akala ko pananagutan ng bf ko ang magi-ging anak namin pero hindi pala.

Bigla na lang siyang nagbago ng desisyon at sinunod niya ang kanyang magulang.

Hindi ko matanggap noong una dahil habang nagbubuntis ako, wala na pala ang inaasahan kong mag-aaruga sa amin.

Mahirap at masakit sa aking kalooban ang naging sitwasyon ko. Ako ang naging nanay at tatay ng aming anak.

Mabuti at nariyan ang aking mga magulang na naging lakas at gabay ko sa araw-araw.

Maglilimang taon na kaming walang communication.

Nakahanap naman ako ng hanapbuhay na kahit minsan palipat-lipat ng area, mabuti na lang at may napag-iiwanan ako sa aking anak, walang iba kundi ang aking ina.

Merong nanliligaw sa akin. Parang gusto kong patulan pero naiisip ko na baka iwanan lang din ako at paasahin.

Pagpayuhan po ninyo ako.

Makiling

Dear Makiling,

Kung ayaw nang makipag-communicate ng bf mo, maaari mo pa rin namang subukan na muling magmahal.

Pero this time ay gawin mo ng may karunungan. Kilatisin mong mabuti ang lahat para hindi ka na magsising muli.

Tiyakin mong mamahalin ka niya ng lubusan.

Kung hindi, baka magkaproblema ka ng mas matindi kaysa sa nauna mong karelasyon.

Huwag ka sana makalimot sa mahalagang aral ng iyong nakaraan.

DR. LOVE

vuukle comment

MAKILING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with