Napagalitan ng biyenan
Dear Dr. Love,
Isang buwan pa lang kaming nagsasama ng mister ko. Nakikitira kami sa bahay ng parents niya. Akala ko, ok lang sila na roon kami mag-stay habang hindi pa kami nakakaipon.
Hindi namin alam na hindi lang nagsasalita ang biyenan kong lalaki, naiilang na pala siya na nandun kami sa bahay nila.
Ako naman itong kampante, lagi akong nagdadala ng mga officemates ko, nagbi-videoke at inuman!
Hindi ko alam na galit na galit na ang biyenan kong lalaki dahil sa ingay namin. Hayun, bigla na lang siyang nagsisigaw at kung anu-ano ang pinagsasabi. Hindi ko alam ang gagawin ko nang gabing iyon dahil naka-duty nun ang mister ko.
Napahiya ako at nagsiuwian na ang mga officemates ko. Kinabukasan pinaalis na kami ng biyenan kong lalaki. Hindi raw ako marunong makisama, pinagbibigyan na nga raw kami at abusado daw ako.
Iyak ako nang iyak noon. Nag-alasa balutan ako at sinabihan ko ang mister ko na doon na lang niya ako puntahan sa bahay namin. Hindi naman nagalit ang mister ko. Kinausap niya ang papa niya. ‘Yun lang, alam ko naman na may mali rin ako kaso noon ko naramdaman na hindi ako ganoon katanggap ng biyenan ko.
Kaye
Dear Kaye,
Nauunawaan ko ang nararamdaman mo sa biyenan mong lalaki. Baka naman talagang nai-ngayan lang siya noong gabing iyon. Lalo na kung nagsisigawan pa kayo at nagtatawanan. Tapos nakita niya na nag-iinuman pa kayo. Ang matindi nun ay wala ang mister mo.
Ang payo ko ay humingi ka ng tawad sa bi-yenan mo para hindi na lumaki ang problema ninyo sa isa’t isa. Mahirap talaga ang nakikisama sa kapamilya ninyo. Kung mapag-iipunan ninyong makabili o makaupa muna, mas makakabuti. Dahil kung sarili ninyo ang bahay ay walang makikialam sa inyo. Basta kapag kailangan tumigil ay tumigil na.
DR. LOVE
- Latest