^

Dr. Love

Bantay-sarado sa ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dahil nalaman ni mama na nakikipagkita ako sa bf ko, bantay sarado ako ngayon. Peero pinipilit pa rin ako ng bf ko na magkita kami kahit once a week lang.  Naghintay lang ako ng pagkakataon pero matinik magbantay si mama.

Nagpaalam ako na kukuha ng credential sa dati kong school para ipasa sa magiging school next school year.  Pero siya na lang daw ang mag-aasikaso ng lahat ng papeles ko.

Hindi ako makaalis ng bahay. Kahit bumili lang sa tindahan lagi niya akong tinatanong kung saan ako pupunta.

Naipakilala ko na ang bf ko kay mama kaso bilang barkada at marami kami noon. Ang akala pa nga niya bading siya dahil maputi at malinis sa katawan.

Kaso may mga tsutsu sa mama ko, ang mga tito ko. Nakikita nila akong kumain sa fastfood malapit sa amin at hinahatid ako sa may kanto ng lugar namin ng bf ko.

Kahapon, inabangan ako ng mama ko. Nahuli kami sa akto na naka-akbay pa ang bf ko sa akin. Pinagalitan niya ako at pinapipili nkung ang bf ko o tumigil na ako sa pag-aaral?

Siyempre, priority ko ang pag-aaral. Pero mahal ko rin naman ang bf ko. Sana lang maunawaan ako ng bf ko na hindi muna kami laging magkikita. Kahit sa cellphone may oras lang ang paggamit ko.

Nikki

Dear Nikki,

Tama ang priority mo, pag-aaral kaya nga hinihigpitan ka ng mama mo. Dapat kang matutong maging honest, lalo na sa parents mo. Kasi lagi silang nag-aalala sa iyo.

Babae ka at mahirap kung ano na lang ang mangyari sa iyo.

Sa ngayon tanggapin mo ang desisyon ng mama mo, na huwag munang lalabas-labas. Bukod sa delikado pa rin ang panahon, tiyak na makakatulong ito para makapag-focus sa iyong priorities. Kung may pagkakataon kang mabigyan ng mensahe ang iyong bf, sabihin mong tulungan ka niyang maibalik ng mama mo ang tiwala niya sa iyo.  Kung mahal ka talaga ng bf mo, mauunawaan ka niya sa kalagayan mo ngayon.

DR. LOVE

vuukle comment

BF

NIKKI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with