^

Dr. Love

Peks man virgin pa ako

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kaya sumulat ako sa inyo ay para humingi ng payo tungkol sa asawa ko na ayaw maniwalang ako ay virgin pa nang ako’y  pakasalan niya.

Hindi kasi ako dinugo tulad ng nararanasan ng ibang babae sa unang pakikipagtalik.

Pero hindi ako nagsisinungaling. Ang mister ko ang unang lalaking nakaangkin sa buo kong pagkababae.

Sa mga naging boyfriends ko noon, ni isa’y walang nakahalik sa akin man lang.

Kahit sinasabi niya na balewala sa kanya kahit may ibang nakauna sa kanya ay naiinis ako kapag kinukulit akong umamin sa bagay na hindi ko ginagawa.

May isa na kaming anak na two years old sa dalawang taong pagsasama namin.

Dati akong nag-aral ng taekwondo.

May kinalaman kaya ito kaya inaakala niyang hindi na ako virgin?

Virginia

Dear Virginia,

Posibleng ang pag-aaral mo ng martial arts ang dahilan kung bakit napunit ang hymen mo na indikasyon ng pagiging virgin.

Kung balewala sa kanya kahit totoo ang hinala niya, huwag mo na lang pansinin ang pangungulit niya kahit naiinis ka.

Baka naman binibiro ka lang niya, hindi kaya?

Kung hindi ka naman niya inaaway dahil sa isyung iyan, mas mabuting huwag mo na lang siyang pansinin.

Dr. Love

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with