^

Dr. Love

Iniskandalo ng isang girl

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Ara. Hindi ko alam kung papadala ako sa aking emosyon o tatahimik na lang at lalayuan ang bf ko.

Iniskandala kasi ako ng isang girl. Ang sabi niya, bakit hindi ko tinanong ang bf ko kung may gf pa siyang iba. Galit na galit si girl dahil nalaman niyang nagsinungaling sa kanya ang bf ko. Sa totoo lang ay wala rin akong kaalam alam. Dahil sa tiwala ako sa kanya. Wala naman akong napapansin na kakaiba sa kanya.

Hindi po ako sanay sa iskandalo kaya iniwan ko na lang si girl at kinausap ko ng masinsinan si bf. Tinanong ko siya kung bakit niya ako nilko. Ito ang sitwasyong ayaw na ayaw ko. I don’t deserve this. Hindi ako nagkulang sa pagmamahal na ibigay ko sa kanya.

Ara

Dear Ara,

Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Ikaw na ang nagsabi na hindi ka nagkulang sa pagmamahal sa bf mo. Wala sa iyo ang pagkakamali. Hindi mo hawak ang desisyon niya kaya dapat malaman niya na hindi ikaw ang dapat manghinayang kundi siya.

Mainam naman na hindi mo pinatulan ang girl na iyon. Maaaring nadala rin siya ng kanyang emosyon, ng galit niya sa bf mo. Maaaring biktima rin siya na dapat unawain.

Isipin mo na lang na tulad ng isang isang puno kahit nalalagas ang kanyang dahon ay nanatili itong matatag. Nawala man ang bf mo sa iyo, sikapin mong maging matatag na tulad ng isang puno, na sa oras ng pagsubok ay hindi sumusuko.

DR. LOVE

vuukle comment

ARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with