^

Dr. Love

Umibig sa FB friend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Leonard, 68 anyos na at may tatlong taon nang biyuda. Magmula nang mag-retiro ako sa trabaho ay naging palipasan ko ng oras ang Facebook.

Dito ko nakilala si Rhoda, 59 anyos at matandang dalaga.

Facebook din ang libangan niya bukod sa pagiging busines woman.

Naging madalas ang pagcha-chat namin at naging very close.

Nang magpasya kaming magkita sa isang restaurant, nagkagustuhan kami.

Nagplano kaming magpakasal ngunit tutol ang dalawa kong anak na nasa Canada. Marami kasi akong lupain at baka raw property ko lang ang target ng girlfriend ko. Pero may tiwala ako kay Rhoda.

Dati siyang public school teacher at devoted sa pagtuturo kaya hindi naiisipang mag-asawa.

Sinabi rin niya na hindi siya interested sa mga lupain ko at kung gusto ko raw ay ilipat ko na ang pagmamay-ari sa mga anak ko.

Ano ang dapat kong gawin?

Leonardo

Dear Leonardo,

Matanda ka na at kailangan mo ng katuwang sa buhay na hindi puwedeng gampanan ng mga anak mo na nasa malayo.

Ikaw ang magdesisyon. Kung nagmamahalan kayo ni Rhoda, sige magpa-kasal kayo.

Masuwerte ka sa kanya dahil hindi siya interesado sa lupain mo gaya ng pangamba ng iyong mga anak.

Tama si Rhoda. Isalin mo na sa pa-ngalan ng mga anak mo ang lupain para hindi na sila magduda sa kanya.

Dr. Love

LEONARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with