^

Dr. Love

Iniwan ng bf ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pangkaraniwan lang na maituturin para sa ibang kabataan ang pagkakaroon ng relasyon at pakikipaghiwalay. Pero ang bagay na ito ay nagkaroon ng seryosong epekto sa aking anak.

Unang boyfriend niya ang lalaki ay talagang nakita ko na importante sa kanya ang kanilang relasyon. Nagkaroon ng kakaibang sigla at talagang naging masayahin ang aking anak. Kaya naman ok lang sa akin dahil gusto ko na lang masaya ang aking anak. Hanggang dumating ang hindi inaasahang sandali. Isang misunderstanding ang nangyari sa pagitan nila ng kanyang boyfriend.

Hindi na makausap ng matino ang aking anak. Halos hindi na kumain dahil gusto lang niya sa kuwarto niya. Maya’t maya ay umiiyak at madalas tulala.

Ni sa hinagap, hindi ko naisip na hahantong ito sa tangkang pagpapakamatay ng aking anak. Kung kaya naman paranoid na kami sa bahay, na bantayan siya ng mabuti.

Twenty years old ang ang anak namin at miserable na ang kalagayan niya. Pagpayuhan po ninyo kami kung ano ang pinakamabuti naming gawin.

Josie

Dear Josie,

Sa lalong madaling panahon ay dalhin mo sa espesyalistang doktor ang iyong anak, sa isang psychiatrist, na siyang makakatulong sa kanyang kalagayan. Ang suicidal tendency ay hindi biro lalo na sa kanyang edad. Kaya bagao pa mahuli ang lahat ay agapan na ninyong mag-aasawa.

Bukod sa atensiyong medikal, idulog ninyo sa Panginoon ang lahat, hingin ang awa niya para sa inyong anak at huwag mawalan ng pag-asa.

Dr. Love

ANAK

DR. LOVE

JOSIE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with