^

Dr. Love

Laging bigo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Minsan kaming nagkaroon ng party ng mga kaibigan ko. Marami po akong kakilala na hindi guwapo o sabihin na natin nang diretsahan na pangit pero maraming chicks.

Meron pa nga akong friend na pandak at puro butas ang mukha pero maganda ang asawa.

Ako ay 23 anyos na, pero wala pang siyota. Tinangka kong manligaw ng ilang beses pero lagi akong naba-basted.

Hindi ako guwapo pero hindi naman ako kasing pangit ng mga kakilala ko na magagan-da ang mga jowa.

Minsan, humaharap ako sa salamin at sinusumbatan ang sarili ko. Tinatanong ko sa sarili kung ano ang kulang sa akin.

Sabi ng kaibigan ko, may kakilala siya sa Cavite na makatutulong sa akin sa pamamagitan ng dinasalang anting-anting na pang-akit daw ng babae.

Nagdadalawang-isip ako dahil baka sa diablo ‘yon.

Ano sa palagay mo ang kulang sa akin?

Richard

Dear Richard,

Tama ka. Ang mga anting-anting ay labag sa katuruan ng Diyos na ‘di dapat tangkilikin.

Siguro ang kulang sa iyo ay tamang diskarte. Either, pakimikimi ka kung manligaw o kaya ay sobrang yabang.

Hindi kita kilala kaya hindi ko masabi kung ano ang kulang sa iyo.

Pakasuriin mo ang sarili mo at alamin kung ano ang kapintasan mo na nakaka-turn off sa babae. Hindi ka ba bad breath o kaya’y may masamang amoy sa katawan?

Itanong mo sa mga close friends mo dahil madalas, ibang tao ang nakakakita sa ating kapintasan.

Dr. Love

vuukle comment

CHICKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with