^

Dr. Love

Kaedad ng tatay Ang boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Miles, 23 anyos. May mga naging boyfriends na ako na kasing-edad ko o mas bata sa akin ng kaunti. Lahat sila, after a while ay kinalasan ko. Ang hanap ko kasi ay lalaking mature ang takbo ng isip na mahihingan ko ng payo sa aking mga problema.

Nakilala ko si Santi, isang senior vp ng isa kompanya. Compatible kami pero napakalayo ng agwat ng edad namin. 60-anyos na siya at diborsyado sa asawa niyang American national. Kamamatay lang ng dati niyang asawa na nag-iwan sa kanya ng isang anak na mayroon nang asawa. Wala namang tutol ang tatay ko pero natatawa siya dahil halos magkasing-edad lang sila ng boyfriend ko. Medyo nadi-diyahe rin ako sa mga friends ko na minsan ay kinakantyawan ako. Hindi po ba alangan kung mapapangasawa ko siya?

Miles

Dear Miles,

Pagdating sa pag-ibig, hindi hadlang ang agwat ng edad basta’t nagmamahalan kayo. Ibang kaso kapag ang babae ang mas matanda sa lalaki, pero pangkaraniwan na lang kapag ang babae ay naikakasal sa matanda.Ang mahalaga ay nagkakasundo kayo at nabibigyan ka niya ng advice sa mga problema mo.

Huwag mong intindihin ang sasabihin ng tao. Go for it!

Dr. Love

vuukle comment

SANTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with