^

Dr. Love

Wala pa ring boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Ria, 29 years old. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako magka-boyfriend. Feeling ko maganda naman ako, maputi, mabait at maayos makitungo sa iba.

Sexy nga ako sa tiktok at Instagram. Magaganda at daring ang video ko dun. Pero parang tatandang dalaga pa yata ako.

Professional at maasikaso rin ako dahil isa akong Hospitality Management graduate. Masarap magluto at active din sa church. Ewan ko, hindi naman ako mataray.

Siguro dahil sa nasanay ako na bahay-aral lang, kaya wala akong nakikilalang guy na para sa akin.

Sana nga this year may makilala na akong guy na para sa akin. Natatakot naman ako sa mga dating apps, baka mabudol naman ako. Ang parents ko nga, hindi na ako hinihigpitan para raw magka-boyfriend na ako.

Ano po sa palagay ninyo ang pwede kong gawin?

Ria

Dear Ria,

Ipag-pray mo na ibigay na sa iyo ni Lord ang para sa iyo. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Sa halip, subukan mong makisalamuha sa mga friends mo. Baka may maipakilala sila sa iyo. O baka naman may mga gustong manligaw sa iyo, pero naghihintay lang ng pagkakataon.

Tuloy mo lang ang pag-improve sa iyong sarili. Ok din naman ang dating apps pero kailangan lang na suriin mong mabuti ang makikilala mo. May mga relationship na naging successful dahil sa social media.

Maniwala ka na bigla na lang dumarating ang hindi mo inaasahan. If ever naman, just be yourself at i-focus mo ang sarili mo to serve your family.

DR. LOVE

vuukle comment

RIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with