^

Dr. Love

Buking kasama ang kabet

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Marisa, hindi ko sinasadyang makita si kumpare na may kasamang ibang babae sa isang fastfood. Nasa counter ako, narinig ko lang na pinag-uusapan nila na baka magalit ang asawa niya. Ester ang binanggit na pangalan, kaya nagpintig ang tenga ko. Bulong ko sa sarili, parang kilala ko ‘yung pinag-uusapan nila.

Hayun sakto si kumpare nga at ‘yung babae niya.  Hindi ko nga sila pinapansin pero nagulat si kumpare. Kaya umiwas sila sa akin.

Hindi ko na sila inistorbo at nag-take out na lang ako. Buking ko sila pero ayokong sa akin magsimula ang gulo nila. Sinabi ko na lang sa kapitbahay namin, kay Marites. Hayun kitang kita ko  kung paano awayin si kumpare. Kinakabahan ako baka ako ang pagbuntungan niya ng galit.  

Marisa

Dear Marisa,

Kung ano ang alam mong tama, ‘yun ang panindigan mo. Huwag kang matakot kung resbakan ka ni kumpare. Malamang hindi niya gagawin iyon dahil lilitaw na witness ka sa kalokohan siya.

Maaaring madamay ka pero hindi ka naman masisisi. Si kumpare mo ang dapat managot sa misis niya.

DR. LOVE

 

FASTFOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with