^

Dr. Love

Dahil hindi nakinig

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Reesie. Masakit rin naman sa akin na  maghiwalay kami ng bf ko. Sa totoo lang, hinabol ko pa nga siya at ako pa nga ang nagpakumbaba. Kung may pagkukulang siya ay ‘yung hindi na niya ako pinakinggan habang nagagalit ako sa kanya at nang gusto ko na siyang patawarin ay itinuloy pa rin niya ang pakikipagkita sa ex niya.

After that day ng break up namin, siya naman ang nanunuyo sa akin. Lahat na yata ng kamag-anak ko, pinakiusapan niyang tulungan siya na magkabalikan kami.

Pero ako na ang sumuko. Napagod din ako nang hinabol ko siya para mag-usap kami nung gusto ko pa sana. Pero ngayon, talagang naging manhid na ang puso ko. Kaya parang malabo na kaming magkabalikan.

Masasabi ko lang sa kanya, sana nakinig muna siya na gusto ko pang maayos ang lahat.

Reesie

Dear Reesie,

Sigurado ka na ba na hindi na kayo magkakabalikan? Wala na ba talagang isa pang pagkakataon? Baka naman nag-iisip isip pa siya ng mga panahong iyon, kung tama na ba ang desisyon niya.

Kung wala na eh, sorry na lang sa ex mo. Hindi siya maru-nong makinig.

Talaga naman nakakapagod kung hindi ka naman pinapansin ng taong sinusuyo mo.

Anyway, sa mga may karelasyon d’yan…talagang nakakabingi at nakakabulag kapag nabaling na ang atensyon sa iba.  Kung talagang mahal natin ang ating partner o katuwang o karelasyon, mainam na lagi tayong handang makinig at umunawa sa kanilang nais iparating sa atin.

DR. LOVE

vuukle comment

BREAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with