^

Dr. Love

Nakabuntis ng ibang babae si Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi sa pagmamayabang, ipinagmamalaki ko noon ang aking asawa dahil responsable at tapat magmahal sa akin at sa aming apat na mga anak.

Ako po si Melanie, 29 anyos. Nitong mga nagdaang araw, napansin kong balisa ang aking mister. Wala siyang ganang kumain at mukhang malalim palagi ang iniisip.

Tuwing tinatanong ko siya, lagi niyang katuwiran ay pagod lang siya trabaho. Iniisip ko, baka may problema siya sa kanyang opisina. Hindi ko siya talaga mapilit na magtapat. Nang hindi na ako makatiis, sinabi kong maglalayas ako kapag hindi siya nagtapat sa akin. Doon siya humagulgol na parang paslit na bata.

Aniya, “nagkasala ako sa iyo.” Ipinagtapat niya sa akin na inakit siya ng aming bagong kasambahay na tisay. Maganda siya at talagang pagnanasan ng sino mang kalahi ni Adan. Pero ang sabi ng asawa ko, minsan lang nangyari yaon at pinagsisihan niya. Kaso, sinabihan daw siya ng aming kasambahay na ito’y buntis at hinihingan siya ng five hundred thousand kapalit ng pag-alis niya sa bahay at hindi na kami guguluhin.

Una’y namuo ang galit sa dibdib ko pero inunawa ko ang asawa ko. Sa anim na taon na-ming pagsasama ay na-ging tapat siya, at kung nagkasala man siya ay dahil tinukso siya ng isang magandang babae. Naisip ko rin na baka gumagawa lang ng istorya ang aming katulong para pagkaperahan kami.

Ano maipapayo ninyo sa akin?

Melanie

Dear Melanie,

Posible  ang iniisip mo. I-pregnancy test muna ninyo kung positive ang inyong kasambahay bago kayo maniwala. Kung positibo, hamunin ninyo siya na manatili sa inyong poder hanggang manganak, tapos ipa-DNA test ninyo ang baby.

Tiyak ko na aalis ‘yan kung nagsisinungaling. Pero kung mapatuna-yang anak ng mister mo ang bata, may obligasyon siya sa bata. At sana huwag mo siyang kamuhian.

Dr. Love

vuukle comment

MELANIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with