^

Dr. Love

Ayaw bigyan ng Pagkakataon

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bakit malupit ang tadhana?. Wala na bang tsansa ang mga dating masama na tanggapin sa lipunang ginagalawan natin ngayon? Tawagin mo na lang akong Fider, 36 anyos at single pa. Wala kasing matinong babae ang tatanggap sa isang da-ting bilanggo na kagaya ko. Pero bakit? Repormado na akong ganap matapos ang dalawang taong pagkakabilanggo dahil na-involve ako sa nakawan.

Mayaman ang pamilyang pinagmulan ko at nakatapos din naman ako ng first year sa college. Kaso talagang juvenile delinquent ako kaya nalulong sa masamang barkada, droga at mga gawaing masama. Nang masentensyahan ako ay hindi ako tinulungan ng pamilya ko at nang makalaya ako ay ayaw na nila akong tanggapin.

Sa piitan ay nasali ako sa isang Christian group at tinanggap ko na si Jesus Christ bilang Panginoon at Tagapagligtas. Binago na akong ganap ni Lord at naglaho ang pita ko sa masamang bisyo at gawain. May limang taon na akong nakalalaya ngayon at may naawang tumanggap sa akin bilang helper sa isang bakery. Natuto akong magluto ng mga tinapay kaya na-promote na ako bilang assistant baker. Gusto ko sana ng trabahong mas malaki ang kinikita pero walang employer na tumanggap sa akin dahil sa bad record. Pero okay lang.

Ang problema ko ay ayaw akong tanggapin ng mga babaeng nililigawan ko kaya nag-give up na lang ako sa panliligaw.

Kalooban kay ito ng Diyos sa akin?

Fider

Dear Fider,

Mahiwaga kung kumilos ang Diyos. Hindi natin nakikita ang dulo ng ating kahihinatnan pero palaging maganda ang nakalaan sa mga taong nananalig sa Kanyang kabutihan. Huwag kang susuko.

Sabi mo marami kang natutuhan sa karanasan mo bilang helper sa bakery.

Malaking asset na puwede mong gamitin para magtayo ng sari-ling tinapayan. Diyan ka muna mag-focus.

Ipag-pray mo na tulungan ka ng Diyos na makapagtayo ng business.

Dr. Love

FIDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with