^

Dr. Love

Mahal niya kaya ako?

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay nasa maayos kang kalagayan sa pagtanggap mo sa aking sulat. Tawagin mo na lang akong Rody, 21 anyos at binata pa.

Inggit ako sa mga katropa ko na may mga jowa na. Kapag gumigimik kami, may ka-holding hands sila at inaakbayan. Hanggang in-introduce sa akin ng friend ko si Mercy, 19 years old at wala pang nagiging jowa.

Hindi kagandahan si Mercy. Chubby at 5 feet lang ang taas. Niligawan ko siya at after three weeks ay naging kami na.

Masyadong old fashioned si Mercy kahit sa pananamit. Pero ‘pag namamasyal kami, ayaw niyang hawak-kamay at akbay.

Natatakot raw siyang may makakita at baka malaman ng mga parents niya. Nagdududa tuloy ako na baka hindi niya talaga ako mahal.

Ano sa palagay km, mahal kaya ako ni Mercy?

Rody

Dear Rody,

Baka naiilang pa si Mercy dahil first time niyang magkaroon ng boyfriend. Ituring mo ang sarili mo na mapalad dahil siya ay babaeng ubod ng hinhin, na bihira ng matagpuan sa panahon ngayon.

Pero tatanungin kita, niligawan mo ba si Mercy dahil mahal mo o dahil sabik ka lang magkaroon ng jowa?

Tandaan mo na ang panliligaw ay dapat may lakip na totoong pagmamahal para ito ay maging matatag at matibay.

Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with