Inaakusahang nagtataksil
Dear Dr. Love,
Kung swertihan ang pag-aasawa, baka nga minalas ako. Dahil kahit buntis ako ay nakakatikim ako ng pananakit ng aking asawa, dahil lang sa walang katuturan niyang pagseselos.
Mantikan mo, poket dinatnan niya ako sa bahay na bagong ligi, syempre mabango at nakaayos, may kakatagpuin daw ako sa labas.
May mga pagkakataon na naiisip kong sa bahay muna ng aking mga magulang ako lumagi hanggang sa makapanganak, para matiyak na magiging ok kami ng aking baby.
Ang malungkot po, mukhang kahit sa hinagap ay hindi inaalala ng aking asawa ang kalagayan naming mag-ina.
Tulungan po ninyo ako kung ano ang pinakamabuti kong gawin. Maraming salamat po.
Agnes
Dear Agnes,
Hindi kita masisi kung gugustuhin mong lumayo muna sa iyong asawa para masiguro ang kaligtasan ninyo ng iyong baby. Dahil ‘yun ang pinakamainam na gawin. Hingin mo ang tulong inyong mga kamag-anak para rito.
Subukin mo rin kausapin ang iyong asawa, paliwanagan siya at himuking magbago. Pero kung walang mangyari, baka ang kailangan niya ay professional help. Ikonsulta sa psychiatrist o clinical psychologist. Dito mo puwedeng ikonsidera ang annulment legally married kayo. Dahil ang labis na pananakit ng isang asawa sa kanyang misis ay matibay na ground para ipawalang bisa ang kasal.
Dr. Love
- Latest