^

Dr. Love

Addict sa computer game

Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang Arlene, 45 anyos. Ang problema ko ay tungkol sa bunso kong anak na lalaki na masyadong nahuhumaling sa computer games, 17 anyos ang edad niya.

Pagdating pa lang mula sa school, nakahilata na sa kama at walang inaatupag kundi ang paglalaro sa kanyang gadget.  Hindi na niya napag-uukulan ng panahon ang pag-aaral ng leksyon.

Ang masakit, kapag sinasaway ko siya ay sumasagot ng pabalang. Ni hindi mautusang tumulong sa gawaing bahay. Nangangamba ako dahil tuwing grading period, bumababa ang kanyang grades. Natatakot akong baka maging repeater siya.

Minsan na akong pinatawag sa school ng kanyang teacher at sinabing gabayan ko ng mabuti sa pag-aaral ang aking anak.

Ano po ang dapat kong gawin?

Arlene

Dear Arlene,

Paano mo ba siya pinalaki? Baka naman ginawa mong “yaya” ang gadget para hindi ka maistorbo sa mga ginagawa mo.

Iyan ang mali sa ibang magulang. Tuloy naka-develop ng bad habit sa games ang mga bata. Ngayong teenager na ang inyong bunso, may kahirapan nang baliin ang nakaugalian. Pero gawin mo habang hindi pa huli.

Pairalin mo ang iyong pagiging ina at ikaw ang dapat na masunod.

Dr. Love

DR. LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with