^

Dr. Love

Nabulag dahil sa diabetes

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Namumroblema ako sa asawa kong si Artemio. Dating malaki ang kinikita niya bilang supervisor sa isang pabrika. Mapagmahal siyang asawa at may magandang pangarap para sa aming mga anak.

Diabetic ang asawa ko pero hindi maawat sa pagkain ng mga matamis at iba pa na kontra sa kanyang kalusugan. Dumating ang punto na nagsimulang lumabo ang kanyang paningin. Kahit nagsuot na siya ng salamin ay patuloy pa rin ang panlalabo ng kanyang paningin hanggang tuluyang mabulag.

Wala na raw pag-asang makakita siyang muli, anang doktor. Naalis sa trabaho si Arte-mio pero mayroong nakuhang disability pay mula sa SSS gayundin ang separation pay.  Sa halagang yaon ay nagbukas ako ng tindahan para tustusan ang aming pangangailangan.

Kaso, laging tulala ang mister ko at palaging umiiyak. Gusto na raw niyang mamatay dahil wala na siyang silbi. Ano ang gagawin ko?

Marina

Dear Marina,

Natural lang na maging malungkutin si Artemio dahil mula sa pagiging normal ang paningin, bigla siya naging bulag.

Ang hindi maganda ay mukhang nagpapakita ng suicidal tendency kaya kailangang may nakabantay sa kanya palagi.

Kausapin mo siyang madalas at palakasin ang kanyang loob sa panahong naninibago pa siya sa kanyang kalagayan.

Darating din ang panahon na makakapag-adjust din siya sa kalagayan niya. Marami namang walang paningin na nakakapaghanapbuhay pa.

Dr. Love

ARTEMIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with