^

Dr. Love

Umaasang babalikan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Marie.  Panahon ng pandemic kami naghiwalay ng bf ko.

Nang mag-quarantine, nag-decide ako na makipag-break sa kanya para hindi na niya ako alalahanin. Para hindi na rin siya mag-isip ng paraan para magkita pa kami.

Alam kong mahihirapan siyang makapunta sa amin. Simula noon, iniwasan ko na siya. Nag-iba na rin ako ng account sa FB.

Wala na kaming naging pag-uusap simula noon.

Totoong namimis ko siya, kaya minsan ay gusto kong kumustahin siya. Pero hindi na rin siya nagparamdam sa akin.

Pilit ko siyang binubura sa isip ko. Kapag naaalala ko ang magagandang memories naminsiya, minsan pumapatak ang luha ko.  Lalo na kapag nakikita ko ang tuta na ibinigay niya sa akin, na ngayon ay may mga anak na.

I missed him so much. Sana nga kung mababasa niya ito ay maisip niyang balikan ako. Kung posible pa.

Ang masaklap, nakita ko siya na may kasama ng iba.

Nagkasalubong pa kami. Masaya sila ng bago niyang gf. Hindi niya akong pinakilala as ex gf niya, bagkus kaibigan lang.  Masakit sa kalooban ko pero sino ba ako para masaktan.

Marie

Dear Marie,

Alam kong hindi madali ang naging desisyon mo. Marahil alam din ng bf mo ang magiging kalagayan ninyo nung panahong iyon.  Hindi pa naman tapos ang lahat, pwede mo pa rin naman siyang maging kaibigan kung tatanggapin ka niya.

Kung wala na talagang pagkakataon na maging malapit kayo sa isa’t isa, hayaan mong maging masaya siya sa piling ng kanyang bagong gf.  At huwag ka nang umasa pa.

Kung mag-iba ang ihip ng hangin ay huwag ka nang magpatumpik tumpik, yakapin mo siya at ipadama mo muli ang iyong pagmamahal sa kanya.

Kung hindi naman, ipasa Diyos mo ang lahat.  May magagawa siyang maganda para sa iyo.

DR. LOVE

vuukle comment

MARIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with