^

Dr. Love

Dating prosti  ang jowa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Si Jen na girlfriend ko ay dating sex worker. Ngunit nang magkarelasyon kami ay humanap na siya ng ibang trabaho.

Siya ngayon ay saleslady sa isang kilalang mall.

Nagkakilala kami nang magdaos ng birthday ang kaibigan kong mayaman. Niyaya niya kami sa isang four star club at si Jen ang ibinigay sa aking kapareha.

Tawagin mo na lang akong Brandon,  22 anyos. Nirespeto ko at sineryoso si Jen.  Nagmahalan kami.

Nung una ay tinanggap siya ng parents ko pero nang malamang ex-prostitute siya, pinagbawalan na akong makipagkita sa kanya.

Dr. Love may trabaho ako bilang call center agent at nasa tamang edad na.

Maaari ko bang suwayin ang mga magulang ko?

Brandon

Dear Brandon,

Kung nakatitiyak ka na si Jen ang babaeng dapat mong mahalin at makasama habambuhay,  go for it.

Nasa tamang edad ka na at walang uubrang magdikta sa iyo lalo na pagdating sa pag-ibig. The fact na iniwanan niya ang dati niyang trabaho para sa iyo ay indikasyon na talagang mahal ka niya.

Kaya huwag kang mag-atubiling sundin ang  puso mo dahil personal mong kaligayahan ang nakataya.

Prostitute man ay dapat bigyan ng pagkakataong magbago.

Dapat maintindihan natin na hindi tayo dapat mabuhay sa nakaraan, dahil higit na mahalaga ang kasalukuyan na huhulma sa kinabukasang naghihintay sa atin.

Kaya gawin mo ang pinaniniwalaan mong magbibigay ng kaligayahan sa’yo para wala kang pagsisihan sa huli.

Dr. Love

vuukle comment

JEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with