^

Dr. Love

‘Di alam kung sino ang ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa alias “Liberated”. ‘Di ko inaasahan na ang pagka-liberated ko ay hahantong sa malaking kahihiyan. Anim ang mga boyfriends kong nakarelasyon nang sabay-sabay.

Mula nang magdalaga ako ay iyan na ang policy ko sa buhay--collect and select. Hindi magkakakilala ang mga boyfriends at hindi nagkakaalaman.

By the process of elimination, apat na lang silang natira na pagpipilian ko.  Dalawa rito  ang sineryoso ko at nakipag-date ako to the point na ibinibigay ko na sa kanila ang buo kong pagkababae.

Sa loob nang magkasunod na dalawang araw, nakipagtalik ako sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ako nabuntis dahil umiinom naman ako ng contraceptives. Nagdalantao ako at hindi ko matiyak kung sino sa kanila ang ama ng dinadala ko sa sinapupunan.

Isang buwan na ang dinadala ko at naguguluhan ako ngayon. Ano ang gagawin ko?

Liberated

Dear Liberated,

Kung ipaaako mo ang sanggol na dinadala mo sa isa sa kanila, pabigat ito sa iyong budhi dahil hindi mo sigurado kung sino ang ama ng dinadala mo.

Ang pinakamabuti ay maging honest ka sa iyong  boyfriends na nakatalik mo, although magiging costly ang consequence ng gagawin mong pagtatapat.

Pero iyan ang buhay, dapat tanggapin natin ang bunga ng ano mang kamaliang ginawa natin dahil wala naman tayong ibang masisisi kundi ang ating sarili.

Mas malamang na pareho silang magtatakwil sa iyo dahil bihira ang lalaking tatanggap sa babaeng nabuntis ng iba.

Kung mayroong magpapakamartir sa kanila, aba eh suwerte mo!

Namangka ka sa dalawang ilog kaya hindi mo batid ngayon kung saang dalampasigan ka maipapadpad.

Dr. Love

LIBERATED

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with