^

Dr. Love

Alagang pusa ang naglapit sa type na dilag

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Loi.

Tuwing umaga pinapasyal ko ang aking aso sabay sa pagdya-jogging ko. Lagi kong nakikita ang isang kapitbahay na pusa naman ang dala. Pasulyap-sulyap lang ako sa kanya noong una.

Madalas sabay ang routine namin. Halos sabay din kaming nagpapahinga. Lagi ko naman itinatali ang aso ko.

Kaso, isang umaga nakita kong hinahanap niya ang kanyang alagang pusa. Kaya nilapitan ko siya para tulungan. Sinabi ko sa sarili ko na ito na ang pagkakataon na maging close ko ang kapitbahay ko. Sinamahan ko siyang maghanap.

Mabuti ang aso ko ay biglang tumahol at nagpupumiglas. Nakita na pala niya ang pusang nawawala.

Nasa labas ng fasfood at nilalaro ng bata. Kaya nagmadali kami magpunta roon.

Nang nilapitan namin ang pusa, bigla naman inaway ng aso ko ang pusa. Kinabahan ako at baka sila magpang-abot.

Bukod sa posibilidad na magkasakitan ang aso’t pusa, ang talagang nasa isip ko ay maba-bad shot ako sa aking kapitbahay.

Kaya sinikap ko na maging maagap at sinabihan ang tatay ng bata na kunin ang pusa. Sinamahan ko siyang iabot mismo sa dalagang kapitbahay ko ang kanyang pet.

Hayun, ang sarap ng pakiramdam ng nakapuntos. Nagpasalamat siya sa akin at doon na nagsimula ang aming closeness.

Hinahangad ko na maging more than close, Dr. Love dahil nung una pa man ay talagang type ko siya.

Sa ngayon ay iniisip ko ang aking step by step move para hindi lang mapalapit kundi mapaibig siya. Pagpayuhan mo po ako tungkol dito.

Loi

Dear Loi,

Ika nga, pusa ang nagdala. Dahil kung hindi nawala ang pusa, hanggang ngayon ay pasulyap-sulyap ka pa rin sa iyong dalagang kapitbahay.

May mga pagkakataon talaga na akala natin, pangkaraniwan lamang, pero ito pala ang araw na papalarin ka.

Tulad nang nangyari sa inyo ng kapitbahay mo. Akala niya malas, pero para sa iyo ay pinagpalang araw.

Dahil hindi ka lang nagkaroon ka ng pagkakataon na malapitan ang sinusulyapang kapitbahay, kundi talagang nakapuntos ka pa sa pagtulong na makita niya ang kanyang alagang pusa.

Ang maipapayo ko, enjoy your closeness at gamitin mo ang pagkakataon na mas makilala siya ng mabuti. At syempre maging lagi kang maamo sa kanya para hindi kanya awayin.

DR. LOVE

LOI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with