^

Dr. Love

Nangangambang ipagpalit sa iba

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Kanor. Nangangamba ang misis ko na ipagpalit ko na raw siya sa iba, dahil mataba na raw siya. Baka hindi ko na raw siya mahal dahil sumobrang laki na niya. Alam ko naman ‘yun, kapag ang babae ay nanganak may tendency na tumaba.

Umiiyak minsan si misis. Sabi pa niya, basta sabihin ko lang daw na ayoko na sa kanya, papayagan daw niya ako.

Hindi naman ako ganon. Mahal ko ang misis ko. Hindi man bumalik ang hugis ng kanyang katawan, ok lang. Ang totoo, mas minahal ko nga siya ngayon. Gusto kong patunayan ‘yun lalo na’t malapit na ang anniversary namin. Walang makapagpapabago ng pagtingin ko sa kanya, kahit tumanda pa siya.

Kanor

Dear Kanor,

Malamang matutuwa ang misis mo kapag nabasa niya ang ibinahagi mo.

Sana marami pang tulad mo, tapat at tunay magmahal kahit anuman ang mangyari.

Aanhin nga naman ang maganda, mas bata at mas sexy kung wala naman ang tunay na pagmamahal?

DR. LOVE

vuukle comment

KANOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with