^

Dr. Love

Tinataboy ng utol

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Rochelle. Matagal na kaming nakatira sa bahay ng biyenan ko. Simula nang sumakabilang buhay ang dalawang matanda, hindi na tinatanan ng hipag ko ang aking asawa na paalisin kami sa naiwang bahay ng kanilang mga magulang.

Laging nag-aaway tungkol sa bahay ang magkapatid. Sinabihan ko na ang mister ko na huwag ng patulan ang kapatid niyang babae. Pilit kasi kaming pinaalis sa kwartong tinitirhan namin. Papaupahan daw niya.

Nag-aabot rin naman kami ng pera bilang tulong sa kanila. Kami na rin ang sumasagot sa kuryente’t tubig. Pero ang gusto ng kapatid niya ay paupahan dahil maliit lang daw ang naibibigay namin sa kanila.

Kaya naman kami nag-stay sa kanila para na rin makatipid. Bukod sa mahal ang bilihin, mahal din ang upa ng bahay ngayon.

Sayang kasi ang limang libo na ipambaba-yad namin sa upa. Imbes na naipandadagdag ko sa panggastos sa araw-araw. Malapit na rin ang enrollment. Dalawa na ang anak namin na nasa kolehiyo at dalawang senior high school. Wala naman akong trabaho, ang sweldo lang ng mister ko ang pinagkakasiya namin.

Hindi ko alam kung paanong pagkakasyahin ang budget namin kung sakaling lilipat kami sa ibang bahay.

Problema ko rin ang pang down payment at advance payment namin ‘pag nagkataon.

Rochelle

Dear Rochelle,

Huwag kang mag-alala, may paraan pa sa problema ninyo sa bahay. Sabihan mo ang iyong mister na pakiusapan ang kanyang kapatid niya na huwag muna kayong paalisin.

Kung talagang ayaw makinig, humi-ngi kayo ng tulong sa lupon ng barangay para maging malinaw sa kanyang kapatid na may karapatan din ang mister mo sa bahay na iyon, hindi lang siya ang anak, pati ang mister mo.

Huwag kamo siyang gahaman.  Dapat magturingan sila ng maayos bilang magkapatid.

Kung sa bagay, hindi na bago ang ganyang senaryo sa pagitan ng magkapatid o kahit pa magkakamag-anak,  ang iba mas pinahaha-lagahan ang pera kaysa pagiging magkadugo at magkapamilya.

Hangad ko na maayos ang gusot na ‘yan sa inyong pamilya sa lalong madaling panahon.

DR. LOVE

ROCHELLE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with