^

Dr. Love

Magkakaibigan ang ‘tutuhugin’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May isang binata sa aming subdivision na bagong lipat pa lang kasama ang kanyang mga magulang at kapatid. Guwapo siya, magaling mag-gitara at kumanta.

Dahil marami ang bagong lipat na residents sa aming lugar, nagpasya ang aming homeowners association na magdaos ng acquaintance party at doon ay nakilala namin ang naturang binata.

Pareho kaming nagka-crush sa kanya ng aking kapatid. Nanligaw siya sa akin at talagang kinilig ako. Nang ikuwento ko ito sa kapatid ko, nagulat siya dahil niligawan din daw siya nito.

Tapos, nalaman din namin na ang tatlo pa sa katropa namin na magaganda rin ay niligawan niya. Dahil dito ay nagpasiya kaming lima na sagutin namin siya. At nang magyaya siyang makipag-date sa isa sa amin sa isang restaurant, nagpasya kaming sumipot lahat.

Sa mamahaling restaurant siya nagyaya kaya malamang, bitin ang budget niya para pakainin kaming lima. Nagulat nga siya nang sumulpot kami bigla pero as a gentlemen lumipat kami sa mas malaking table. May credit card naman pala siya pero halata na napahiya siya sa amin.

Sa ganitong uri ng lalaki, dapat pa ba namin siyang seryosohin o itakwil na lang na kaibigan?

Eve

Dear Eve,

Ginamit niya ang kanyang kakisigan para tangkain kayong masilo. Sa ibang salita, isa siyang lalaking mahirap pagkatiwalaan.

Marahil naman ay magbabago na ang pananaw niya sa inyo dahil madali n’yo siyang nabuking. Siguro din, ang ano mang admiration na nadarama ninyo para sa kanya ay naglaho na dahil sa ipinakita niyang bad intention.

Continue your friendship pero may limitasyon. Sana rin ay nagsilbing aral sa kanya ang pagkakapahiya niya sa inyo. Well done!

Dr. Love

EVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with