^

Dr. Love

Majorette ang Love ko

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pleasant greetings to you. Itago mo na lang ako sa pangalang Jake, 28 anyos, binata at isang abogado.

Minsang nakapagbakasyon ako sa aming lalawigan sa Tarlac. May nakursunadahan akong isang napakagandang majorette. Sa tulong ng second cousin ko, nakipagkilala ako sa dalagang ‘yun. Siya si Verna, twenty years old lang siya.

High school graduate lamang siya at dahil magsasaka lang ang mga magulang ay hindi na nakayanang mag-college.  Pabalik-balik ako sa Tarlac sa panliligaw sa kanya at ‘di nagtagal ay naging kami.

Nang malaman ito ng aking parents, tutol sila. Wala raw silang magagawa kung tutuluyan ko si Verna pero masama raw ang kanilang loob. Dahil hindi raw sila nagpakahirap na  makatapos ako ng law para lang mapunta sa babaeng mababa ang pinag-aralan.

Puwede kong sundin ang aking puso pero pinagkakautangan ko ng malaki ang aking mga magulang. Ano ang gagawin ko?

Jake

Dear Jake,

Beinte otso anyos ka na at malayang magdesisyon sa iyong sarili.

Ang tungkulin lang ng magulang, bukod sa pagpapaaral at pagtataguyod sa anak ay magbigay ng gabay at payo pero ang pinal na desisyon ay nasa anak lalo pa kung ito ay nasa hustong gulang na.

Kung ako ang magulang mo, pababayaan ko ang iyong desisyon na makapagpapaligaya sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

JAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with