^

Dr. Love

Binabantayan ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang problema ko po ay tungkol sa anak kong dalaga na iniwanan ng boyfriend at nagtatangkang kitlin ang sariling buhay. Tawagin mo na lang akong Rosing.

Hind kami mapakaling mag-asawa dahil minsan nang tinangkang magpakamatay ng aming anak na babae. Mabuti na lamang at pumasok ko sa kanyang silid nang nagtangka siyang magbigti.Binabantayan ang anak

Dear Dr. Love,

Ang problema ko po ay tungkol sa anak kong dalaga na iniwanan ng boyfriend at nagtatangkang kitlin ang sariling buhay. Tawagin mo na lang akong Rosing.

Hind kami mapakaling mag-asawa dahil minsan nang tinangkang magpakamatay ng aming anak na babae. Mabuti na lamang at pumasok ko sa kanyang silid nang nagtangka siyang magbigti.

22 anyos na ang anak namin at ang boyfriend niya ay kasintahan na niya simula pa nung high school sila.

Hindi matanggap ng anak namin nang makipag-break sa kanya ang kanyang kasintahan dahil may natagpuang ibang babae.

Isang linggong nagkulong sa silid ang aming anak at ayaw niyang lumabas. Hinahatidan na lang namin siya ng pagkain at inumin pero bahagya lang siya kung kumain.

Naririnig na lang namin siyang huma-hagulgol. Isang araw, nang pumasok ako sa silid niya para maghatid ng pagkain, tiyempong nakatuntong siya sa silya at akmang ibibitin na ang sarili.

Napasigaw ako at sumaklolo ang aking asawa.

Lagi naming binabantayan ang anak ko. Ang dalawang kapatid niyang lalaki ay nagrerelyebo sa pagbabantay sa kanya.

Inalis namin sa silid niya ang mga matatalas na bagay pati na mga bote na puwede niyang magamit para saktan ang sarili.

Ano ang mabuti naming gawin?

Rosing

Dear. Rosing,

Nangangailangan ng professional help ang anak ninyo. May suicidal tendency siya at iyan ay tanda ng kapansanan sa isip na bunga ng pakikipagkalas sa kanya ng kanyang kasintahan.

Mabuting ngayon pa lang ay isangguni n’yo na siya sa psychiatrist na may kakayahang gamutin ang kanyang kapansanan sa isip. Maaaring resetahan siya ng gamot na pampakalma ng isip upang hindi niya tangkaing magpakamatay.

Pansamantala, samahan n’yo siya sa kanyang silid at kuwentuhan ng magagandang bagay upang mailihis ang kanyang isip sa mga mapapait niyang alaala na nagtutulak sa kanya para magpakamatay.

Dr. Love

ROSING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with