^

Dr. Love

Kasal na laging nauudlot

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Anim na taon ko nang kasintahan si Bernard. Serious po ang relasyon namin at hangad naming matuloy ito sa kasalan.

Pero sa tatlong pagkakataon na nangako siyang pakakasalan ako, may nangyayaring dahilan para ma-postpone ito.

Four years ago, sabi niya pakakasal na kami sa sumunod na taon pero pagsapit ng taong ipinangako niya, nagtanan ang kapatid niyang babae kaya hindi natuloy ang kasal namin.

Masama raw sa magkapatid na ikasal sa parehong taon.

Ipinagpaliban para sa sumunod na taon ang kasal namin, pero pagpasok pa lang ng taon, January 3 ay namatay sa aksidente ang ama at ina ni Bernard.

Na-postpone na naman ang aming kasal.

Medyo naiinis na ako sa pangyayari pero ano ang magagawa ko?

Naghintay muli ako ng isang taon at nagkaroon naman ng pandemic at ipinagbawal ang mga social gatherings tulad ng mga magarbong kasal na maraming bisita.

Gusto ni Bernard na maging engrande ang kasal namin kahit puwede naman itong idaos ng simple.

Nais ko nang mag-give up, Dr. Love. Ano ang gagawin ko?

Juliet

Dear Juliet,

May mga balidong dahilan naman ang pagkabalam ng inyong kasal noon, kahit puwede namang ‘di paniwalaan na malas sa magkapatid ang magpakasal sa iisang taon.

Pero ang trahedya na magkasamang namatay ang ina at ama ni Bernard sa aksidente ay balidong dahilan talaga.

Ngayon na nana-ntili ang pandemya at muling ibinaba ang restrictions kaugnay sa mga social gathe-ring, sundin muna natin dahil para rin naman ito sa kapakanan ninyong soon to be bride and groom; at maging sa lahat ng inyong mahahalagang bisita.

Best wishes sa inyo in advance!

Dr. Love

BERNARD

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with