^

Dr. Love

Umiibig kay Bossing

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hello po. Sana ay makarating sa inyo ang sulat ko na nasa maayos kayong kalagayan.

Tawagin mo na lamang po akong Manny, 23 anyos at binata pa. Janitor lang po ako sa isang malaking bangko pero nag-aaral po ako ng accounting.

Umiibig ako sa isang kaopisina, pero hindi po basta kaopisina kundi sa bank manager. Maganda siya, mabait at higit sa lahat ay dalaga pa. Nalaman ko na kabe-break lang niya sa kanyang boyfriend na nagpakasal sa ibang babae.

Batid ko na alangan kami ngunit iba ang tibok ng dibdib ko kapag nakikita ko siya. Minsan ay napahiya ako dahil tinanong niya ako kung bakit panay ang sulyap ko sa kanya.

Pautal-utal kong sinabi na maganda kasi siya. Napangiti lang siya sa sinabi ko.

Mula noon ay lagi niya akong inuutusan like, ipagtimpla ko siya ng kape.

Natitiyak ko sa sarili ko na mahal ko siya. Masama po ba na manligaw sa boss?

Manny

Dear Manny,

Palagay ko ay lalo ka niyang dapat hangaan dahil nagsisikap ka na makatapos ng kurso, lalo pa at related sa pagbabangko. Huwag kang mangiming ligawan siya.

Kahit mas mababa ang kalagayan mo nga-yon, sa sandaling makatapos ka at makapasa sa board ay magkapantay na kayo.

Huwag mong gawing dahilan ang trabaho mong janitor para mangimi kang ligawan siya. The fact na lagi ka niyang inuutusan ay maaa-ring mangahulugan na may paghanga siyang nadarama sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

MANNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with