^

Dr. Love

‘Pa-mine’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang n’yo akong Bistek. Pandemic, walang gimik, kaya panay laro lang ng ML ang inaatupag ko. Nagbago lang ang lahat nang nakita ko ang aming kapitbahay sa bintana.

Noong una kong nakita si Arianne, nabighani na ako sa kanyang kagandahan. Maputi siya at simpleng manamit. Nakatira siya sa tapat ng aming bahay.  Lagi ko siyang pinanonood sa kanyang online business.

Naglakas-loob akong pasyalan siya sa kanilang bahay para kunwari ay o-order ako. Kaso mas marami ang pambabae na binebenta niya.

Mabait naman siya. Pinakilala niya ako sa kuya niya na mukhang body builder… ang lalaki ng muscles pero nang makausap ko eh, feeling girl pala. Hindi ko inaasahan na ‘yung unang punta ko sa kanila ang magiging daan sa friendship namin bilang magkapitbahay.

Halos araw-araw nasa kanila ako. Tinulu-ngan ko siya na magkaroon din ng mga items na panlalaki.

Sinimulan ko na ring magparamdan sa kanya, sa patsansing-tsansing at paghawak-hawak ko ng kamay niya. Ang biruan namin, “pa-mine” naman.

To make my story short, naging “kami na.” Welcome na welcome ako sa kanila. Wala ang parents nila, nasa abroad at doon na nakatira. Tinanong ko siya kung pwedeng “pa-mine”? Ayos ang kinahinatnan!

Ag bilin sa akin ng ate niya, este ng kuya niya ay huwag raw akong gagawa ng kalokohan para magtagal ang relationship namin.

‘Yun din naman ang gusto ko. Hindi ko nga namalayan, naiwas na ako sa paglalaro ng ML dahil kay Arianne. Sana nagustuhan po ninyo ang kwento ng love life ko.

Bistek

Dear Bistek,

Magandang halimbawa ‘yang ginawa mo, lalo na sa mga torpeng lalaki o ‘yung mga mahihina ang loob.

Mas mainam talaga na kilalanin muna ang isang tao, bago ligawan.

May mga binata kasi na akala mo’y mauubusan ng babae. Nakakita lang ng maganda, nililigawan na agad.

Tama ang ginawa mo, naglakas-loob ka at nakipagkaibigan.

Huwag mong sirain ang tiwala nila sa’yo, lalo ng kuya niya at ng kanyang mga magulang.

Sanay maging successful ang business ninyo online. Stay safe and healthy.

DR. LOVE

vuukle comment

BISTEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with