^

Dr. Love

Naiisip pa rin ang ex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Estel, 24 anyos. Si Manny ay na-ging boyfriend ko for five years at siya ang u-nang lalaking nakakuha ng aking pagka-dalaga. Mahal na mahal ko siya. Alam kong taos din ang pag-ibig sa akin ni Manny. Binabalak na nga naming magpakasal.

Pero malupit ang tadhana. Napikot siya at ikinasal sa ibang babae. Masyado ko’ng dinibdib ang masakit na pangyayaring yaon. Daig ko pa ang namatayan ng isang mahal sa buhay.

Matagal din bago ako naka-move on hanggang makilala ko si Andy. Siguro, out of desperation ay sinagot ko si Andy. Makisig naman siya, responsable at may matatag na trabaho. Kahit wala akong feelings para sa kanya, inisip ko na matututuhan ko rin siyang mahalin pagdating ng araw.

Ikinasal kami ni Andy sa huwes kamakailan.  May tatlong buwan na kaming nagsasama ni Andy pero bakit hindi mawala sa isipan ko si Manny? Lagi siyang laman ng isip ko.

Nagi-guilty ako dahil kahit sa pagsisiping naming mag-asawa, si Manny pa rin ang laman ng isip ko. Ayaw ko ang nangyayaring ito dahil parang pakiramdam ko ay nagiging taksil ako sa isang lalaking tapat ang pagmamahal sa akin.

Pagpayuhan mo ako.

Estel

Dear Estel,

Hindi siguro madali pero dapat mong matutuhang mahalin ang iyong asawa. Ikaw ang may sabing responsable siya, may matatag na trabaho at uliran. Hindi mahirap ibigin ang taong may ganyang katangian.

At bakit mananatili kang nakagapos sa iyong nagtaksil na kasintahan?

Kaya napikot ang una mong boyfriend ay dahil pumatol siya sa iba. Hindi siya tapat sa iyo, gaya ng iyong inaakala. Hindi siya mapipikot kung hindi siya nagtaksil. Iyan lang ang pakaisipin mo at siguradong mabilis siyang mabubura sa iyong isipan.

Totoo na kung sa pagniniig ninyong mag-asawa ay ibang lalaki ang nasa isip mo, na-kagagawa ka ng mental infidelity o kataksilan sa iyong isipan. Ilagay mo na sa basurahan ng iyong nakaraan ang una mong boyfriend at simulan na ang bagong chapter ng iyong buhay.

Dr. Love

ESTEL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with