^

Dr. Love

Sana nakapag-heart shield

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo ako Inday Dolly. Ewan ko kung nadadala lang ako ng imahinasyon ko na pwede pa ring maging kami. Hindi ko alam, tama nga siguro ‘yung nabasa ko sa wattpad. Isa ako sa mga taong naghihintay ng jeep sa istasyon ng tren.

Umaasang magkakabalikan pa kami kahit alam kong may mahal na siyang iba.

Hindi kasi ako makawala sa ginawa kong bitag sa aking sarili. Sinabi ko na hindi na ako magmamahal pang muli. Sinubukan kong mag-move on pero parang kailangan ko ang isang matibay na sandalan kaysa ang isang gulong na magpapaikot lang ng feelings ko.

Gusto ko lang sanang maging malinaw kung saan ako nagkamali. Ayokong tanggapin na pinagkatiwala ko ang lahat, ang buhay ko at mga pangarap sa taong iba ang pinahalagahan.

Ang akala ko pandemic lang kaya hindi na niya ako dinadalaw. ‘Yun pala kahit wala pang pandemic nakasuot na siya ng face mask. Sana naghanda ako ng heart shield para hindi ako naapektuhan ng sakit sa aking puso.

Sana po matulungan ninyo ako. Gusto kong magsimula ng bagong kabanata ng buhay ko sa darating na bagong taon, na maging matibay ako at matuto na mula sa mga maling desisyon ko sa buhay.

Inday Dolly

Dear Inday Dolly,

Totoong mahirap at napakasakit ang iyong naranasan, ang kabiguan sa taong iyong inasahan mong magpapahalaga sa’yo. Kung naghahanap ka ng matibay na sandalan, sa Diyos mo isandal ang iyong sarili at umasa kang may mangyayari sa lahat ng iyong inaasam.

Tibayan mo ang iyong loob kung talagang gusto mo nang mag-move on at makapagsimulang muli.

Huwag mong hanapin ang taong magmamahal sa iyo, hayaan mong ikaw ang matuntun niya. Ma-ging maingat ka at kilalanin ng mabuti ang taong nagsasabing mahal ka, tiyakin mo ito bago mo hayaang mahulog ang loob mo.

DR. LOVE

vuukle comment

DOLLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with