^

Dr. Love

Nabigong Pangarap ng Ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Ven Tilog. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nag-abroad ako para sa pamilya ko pero bigo naman ko sa mga anak ko.

Ang akala ko, kapag nakaipon na ako ng malaking pera matutupad lahat ng mga pa-ngarap ko sa pamilya ko.

Pero baligtad ang mga nangyari.  Walang nakapagtapos ng kolehiyo sa aking mga anak.  Lahat sila napariwara ang buhay.

Ayokong sisihin ang asawa ko dahil hindi naman siya nagpabaya. Umaasa lang ang mga anak ko sa padala ko sa kanila. Alam nilang may aasahan sila kapag nangangailangan sila.

Binigay ko ang lahat ng gusto nila, mga gadgets at laptop. Mas ginusto pa nila ang maglaro ng Dota at ML kaysa ang mag-aral.

Katuwiran pa ng isa kong anak, mahirap daw mag-aral ngayon dahil pandemic. Gusto ko pa ring matupad ang mga pangarap ko sa kanila pero parang wala na silang balak pang gawin ito.

Nag-asawa ng maaga ang panganay ko, pero wala siyang trabaho at sa akin din umaasa. Ang pangalawa ko naman ay nasa bahay lang, panay ang laro sa computer. Ang bunso ko na inaasahan kong magtutuloy ng pag-aaral, pero ayaw dahil mahirap daw sa online class kaya hindi na siya nag-enroll.

May pera pa naman kaming naipon pero malapit na ring maubos dahil hindi na ako nakaalis uli. Nabibigatan ako sa situwasyon ko ngayon. Iniisip ko na wala akong kwentang ama dahil napunta lang lahat ang naipon ko sa wala.

Ven Tilog

Dear Sir Ven,

Huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Marami pa namang pwedeng mangyari. Hindi pa huli ang lahat. Ipagpatuloy lang ninyo ang inyong pagsisikap.

Hindi naman lahat ng nakatapos ng kolehiyo ay successful, may mga nagloko rin. At hindi rin naman lahat ng hindi nakatapos ng kolehiyo ay wala ng patutunguhan.

Kausapin ninyo ang inyong mga anak para magkaroon sila ng ganang mag-aral o kaya’y humanap ng paraan para ma-ging maganda ang kanilang buhay.

May awa ang Diyos, lagi mo silang ipagdasal.

Huwag mong sabihin sa sarili mo na wala kang kwentang ama. Sapat na naipakita mo sa kanila na kahit sa ibang bansa ka maghanapbuhay ay tiniis mo para sa kanila.

Huwag kang panghinaan ng loob, dara-ting din ang panahon na mauunawaan nila ang ginawa mong sakripisyo para sa inyong pamilya.

DR. LOVE

VEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with