^

Dr. Love

Nag-iingat lang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Carlito. Hindi sana ako magagalit kaso alam naman ni kumpare na nasa trabaho ako, pilit siyang nangungulit na gagawin ang lababo namin.

Papaayos ko ‘yun kasi barado. Kaso gusto niyang gawin kahit wala ako. Sinabihan ko na siya na kapag walang pasok na lang para ma-check ko kung ano ang problema.

Eto namang misis ko, nangungulit din na ipagawa ko na raw dahil hindi na siya makatiis. Tuwing weekends lang kasi ako nakakauwi.

Alangan namang pabayaan ko sila roon. Sorry, pero wala akong tiwala kay kumpare. Alam kong may bato balani ang bibig niya. Napapaamo kahit may asawa na. Doon lang naman ako nag-aalala, baka maisahan ako ni kumpare, mahirap na.

Kung makakauwi lang agad sana ako, kaso sa Batangas pa ako naka-assign. Hindi naman sa wala akong tiwala sa misis ko. Nag-iingat lang ako, ayokong magkaproblema pa kami ng misis ko dahil sa kanya.

Pesteng lababo ‘yan, hindi tuloy akong mapakali sa trabaho. Itong si misis ko, chat nang chat na gusto na raw gawin ni kumpare ang lababo.

Parang pati si misis ay maaaway ko na dahil pareho silang nangungulit. Wala kasing pwedeng magbantay sa kanila, maliit pa ang anak namin, hindi pa kaya nun magsumbong kung sakali.

Carlito

Dear Carlito,

Tama ka naman. May puntos ka. Wala ka bang kamag-anak na pwedeng mapagbilinan sa asawa mo, para hindi ka nag-iisip ng kung anu- ano?

Ang mabuti pa, sabihan mo ang mi-sis mo na kung ayaw mo, huwag siyang makulit.

Ipaliwanag mo ng mabuti ang inyong kalagayan at ang nasa isip mo, para maliwanag sa kanya. Syempre hindi mo dapat iyon sabihin sa kumpare mo, baka siya naman ang ma-galit dahil lumalabas na wala kang tiwala sa kanya, kahit ‘yun ang totoong nararamdaman mo.

Tiyak naman na mauunawaan ka ng misis mo. Mainam na rin ang maingat kahit akala mong sim-pleng bagay lang, pero humanap ka rin ng magandang paraan para maging maayos ang inyong ugnayan. Oo, sige kalmahin mo ang loob.

DR. LOVE

CARLITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with